Saturday, August 9, 2014

Aking Buhay

Humiga ka
Ika'y hapo at pagal na, kaibigan.
Matagal na tayong umiiyak
Nalalapit na ang gabi
At ika'y matutulog na.

Friday, February 14, 2014

Di Kita Kayang Mahalin

Di ko nais ituring kang parang mamahaling briliante,
o bulaklak na nakasisilaw sa liwanag.
Bagkus, mamahalin kita na may palihim na gigil,
tila sikretong nais kong walang ibang makaalam.

Iniibig kita tulad ng pagkahumaling sa isang tuod,
kimkim ang lihim ng tagsibol;
At sa bawat pagdapo ng iyong mga patak sa akin
marahang pumapangibabaw ang maligamgam na alimuom.

Minamahal kita nang di alintana ang mga paano, o kailan, o saan,
Pangakong  walang kahambugan at pagalibugha:
Ganito lamang ang paraan upang pag-ibig ay madama.

Kapag tayong dalawa'y naging isa
ang kamay mo sa dibdib ang kadaupang palad;
at  pag-idlip ng mga mata ay  tungo sa iisang diwa.


-Di Kita Kayang Mahalin
halaw One Hundred Love Sonnets: XVII ni Pablo Neruda
pagsasalin  ni C.A. Abanco para kay M.A. Lauresta,
Araw ng mga Puso, 2014

Tuesday, November 12, 2013

Awit kay Isis

I was playing around with a translation. Hehehe.
 
 

Ako ang simula at wakas
Ako ang sinasamba at kinamumuhian
Ako ang puta at banal
Ako ang asawa't dalisay
Ako ang ina at ang ate
Ako ang kandungan ng aking nanay
Ako ang baog at maraming anak
Ako ang kinasal at ang matandang dalaga
Ako ang babaeng nanganak at ang birhen
Ako ang ginhawa matapos manganak
Ako ang ina at ama
Ako ang kapatid ng aking asawa
At siya ang tinakwil na anak
Sambahin ninyo ako
Sapagkat ako ang kalunus-lunos at ang dakila

Awit kay Isis, ikatlo o ikaapat na daangtaon,
sa pagsasaliksik ni Nag Hammadi

Source here.

Monday, November 4, 2013

21 Ways Rich People Think Differently


21. Average people believe they must choose between a great family and being rich. Rich people know you can have it all.



The idea the wealth must come at the expense of family time is nothing but a "cop-out", Siebold says.

"The masses have been brainwashed to believe it's an either/or equation," he writes. "The rich know you can have anything you want if you approach the challenge with a mindset rooted in love and abundance."


From Steve Siebold, author of "How Rich People Think."