Di ko nais ituring kang parang mamahaling briliante,
o bulaklak na nakasisilaw sa liwanag.
Bagkus, mamahalin kita na may palihim na gigil,
tila sikretong nais kong walang ibang makaalam.
Iniibig kita tulad ng pagkahumaling sa isang tuod,
kimkim ang lihim ng tagsibol;
At sa bawat pagdapo ng iyong mga patak sa akin
marahang pumapangibabaw ang maligamgam na alimuom.
Minamahal kita nang di alintana ang mga paano, o kailan, o saan,
Pangakong walang kahambugan at pagalibugha:
Ganito lamang ang paraan upang pag-ibig ay madama.
Kapag tayong dalawa'y naging isa
ang kamay mo sa dibdib ang kadaupang palad;
at pag-idlip ng mga mata ay tungo sa iisang diwa.
-Di Kita Kayang Mahalin
halaw One Hundred Love Sonnets: XVII ni Pablo Neruda
pagsasalin ni C.A. Abanco para kay M.A. Lauresta,
Araw ng mga Puso, 2014

No comments:
Post a Comment