Humiga ka
Ika'y hapo at pagal na, kaibigan.
Matagal na tayong umiiyak
Nalalapit na ang gabi
At ika'y matutulog na.
Narito na tayo sa dulo ng paglalakbay
Oras na upang umalis
Upang makipagkita sa mga kaibigang
Sa iyo'y tumatawag.
Upang muling tumalon
Sa kalawakan ng langit
Isang eroplanong C-130 ang maghahatid
Kung saan tayo maghihintay
Sa huling pag-berde ang ilaw.
Sa liwanag
Ng maputlang buwan
Naaninag ko sa abot-tanaw
Sa mundo ng gabi at karimlan
Mga paa't tuhod ay magkadikit.
Huminto ang oras
Ngunit mga alaalay mananatili
Ganito talaga ang buhay at mga bagay.
Magkikita tayong muli.
Ika'y natutulog lamang.
Mi Vida ni José N. Harris
Salin sa Filipino ni Christopher Allan A. Abanco
Alay kay Preciosa Bituin Palacio
Ika'y hapo at pagal na, kaibigan.
Matagal na tayong umiiyak
Nalalapit na ang gabi
At ika'y matutulog na.
Narito na tayo sa dulo ng paglalakbay
Oras na upang umalis
Upang makipagkita sa mga kaibigang
Sa iyo'y tumatawag.
Upang muling tumalon
Sa kalawakan ng langit
Isang eroplanong C-130 ang maghahatid
Kung saan tayo maghihintay
Sa huling pag-berde ang ilaw.
Sa liwanag
Ng maputlang buwan
Naaninag ko sa abot-tanaw
Sa mundo ng gabi at karimlan
Mga paa't tuhod ay magkadikit.
Huminto ang oras
Ngunit mga alaalay mananatili
Ganito talaga ang buhay at mga bagay.
Magkikita tayong muli.
Ika'y natutulog lamang.
Mi Vida ni José N. Harris
Salin sa Filipino ni Christopher Allan A. Abanco
Alay kay Preciosa Bituin Palacio
No comments:
Post a Comment