Friday, February 8, 2013

The Masks We Wear





***

“I am old, Gandalf. I don't look it, but I am beginning to feel it in my heart of hearts. Well-preserved indeed! Why, I feel all thin, sort of stretched, if you know what I mean: like butter that has been scraped over too much bread. That can't be right. I need a change, or something.”


― J.R.R. Tolkien, The Lord of the Rings

***

Alam mo 'ung pakiramdam na pagod ka lang? Hindi ung pisikal na pagkahapo. Parang naumay ka, tila regla ng buhay - uncomfortable but necessary. Gusto ko lang huminto muna ang lahat at umiyak, iiyak ang nagipong mga maliliit na bagay na isinasantabi noon.


That's why I avoid any social interaction or conversation. My "normal" is already misinterpreted as snarky, what more if I'm having this. So if I dismiss, that's actually for your own good.

Hindi pwede ngayon. Mas kailangan n'ya ako na matatag at maayos. Di pwedeng sabay kameng bagsak. Dapat ung isa ang matatag pag bumagsak ang isa.

Sana kaya n'ya rin ako 'pag ako naman ung lumugmok.

Pakiramdam ko lang parang laging may hinahabol, parang laging kulang at hindi sapat. Pera. Masyado akong mayabang para maging magdukha. Maigi pa ngayon ko maramdaman 'to kesa pag tumanda ako at 'di ko malaman kung saan ko kukunin ang pananghalian ko.

After posting an arguable vague tweet, a friend reminded me that I should be careful with these public posts. They might be interpreted as something to do with ouir relationship. I wanted to ask, "So where do I dump all these?"

Alam ko namang di ko na dapat problema, pero nasasaktan din ako kapag may pinagdaraanan ka.

Kamusta na kaya ang mga pamangkin ko? Hindi maaring magaya sila sa buhay namin.

Kasal ng kapatid ko sa Balemtaymis. Baka di ako makapunta. May kaunting panunumbat pa noong nabanggit n'ya ito. "Alam ko naman. Sanay na ko. Wala ka rin naman nung nanganak ako. Hahahha"
Alam kong maraming bagay na okay lang kung hindi natin gawin o puntahan pero sana alam mo rin na masama ang loob ko kung hindi ko rin naibibigay ang mga ito.

Wala pala akong nabili na kahit ano para sa sarili ko noong nakaraang Pasko.
Putanginang bill ng Globe 'yan. Dispute. Escalate.

Nasaan ka? Ikaw na nangako ng emperyo. Ikaw na nagukit ng pangako. Tulad ng dati, wala pa rin akong aasahan sa'yo.

Ahenteng nagsimula, ahente pa rin hanggang ngayon. Ang sweldo? Kaunti lang ang kinembot. Komisyon? Kasing dalang ng patak ng ulan sa tag-araw.

Sikat. Kilala. Walang pera.

Laging puro ideya mula sa mapanlikhang isipan. Sana kasing dami rin ni Shiva ang galamay.

Gusto ko rin namang maging maayos 'to. Di ko lang alam kung paano.

Baka kailangan ko lang ng alak.

Baka parte ito ng withdrawal syndrome dahil sa lecheng pagdieta. Why should I give up food?!

Di ko pa naasikaso 'ung online raket ko. Tsk.



***

Yung iba dito may sagot. Yung iba reklamo lang. Yung iba wala lang.



Walang porma. Iba ibang hulma. Puro problema.



Ung iba kathang isip. Ung iba sampal sa mukha.




***

“The night still confuses me, we'd all get tired and have to sleep eventually. Regardless of the sun's demands. Regardless if it made much sense.”

― Tegan Quin


No comments: