08/24/2010
Kamakailan lang nagkaroon kame ng get together ng mga elementary classmates ko. Halu-halong emosyon ang gabing iyon sa Metrowalk sa gitna ng mga basyo ng beer at ingay ng banda. Marami na ngang nangyari sa mga buhay namin. Labinlimang taon ang pagitan ng aming huling pagkikita. Pagkatapos kasi ng aming graduation rites, umalis na ang aming pamilya upang manirahan sa matapang na lalawigan ng Cavite.
Labinlimang taon.
Ang tagal na pala. Halos lahat nang nasa top five ay successful... successful call center agents. May naging arkitekto, nars, botikera (sa botika nagtatrabaho hindi sa bodega), accounting staff, negosyante, parlorista at taga-gawa ng uling. Meron ding ayaw i-reveal ang career paths (malamang ilegal 'un).
Labinlimang taon.
Ang tagal na nga. Pero kung tutuusin kaunit lang ang pagbabago. Socially challenged pa rin 'ung mga loser. Ang mga bakla, bakla pa rin. At ang mag popular... ehem... ganoon pa rin naman.
Isa pa ulit na pagkikita-kita sa September 4. Tapos highschool reunion sa 11.
*Mental note = lose some pounds, darn it.
No comments:
Post a Comment