Vicious Cycle
1. Pebrero beinte sais, isang taon matapos ang dekada ng ikalawang milenyo. Ilang buwan na rin mula nang nagparamdam s'ya muli. Halos tatlong taong walang komunikasyon, heto na naman. Tatlong taon... sinong mag-aakalang ganoon na pala katagal.